Wednesday, July 30, 2014

Paglalakbay ni Jupiter



Ang planetang Jupiter ay nasa 9th house in the cusp of Leo noon July 16 sa birth chart ko pagkaraan ng isang taon na pamamalagi sa zodiac ng Cancer. Maganda ba ang magiging takbo ng kapalaran ko sa taong ito sa maswerteng planetang Jupiter habang nasa 9th house ng malayong paglalakbay sa ibat ibang lugar, maraming pag aaral ng pilosopiya, at swerte sa pagbebenta ng kahit na ano na pwedeng pagkitaan ang maraming pera.

Bilang isang nilalang na ipinanganak sa Sagittarius Rising noong buwan ng Sagittarius, masyadong  walang tumbok ang mga ambisyon ko  sa dami ng gustong marating sa buhay.  Halos lahat yata ay gustong kong matutuhan mula sa tanong na imposible ang kasagutan at marating ang mga lugal na hindi pa nararating ng sino man.

Pagkatapos ng 2014 ay magsisimula na akong gugulin ang aking oras sa pag libot sa mga lugar na hindi ko pa nararating, dangan nga lang at kailagan ko ng maraming pera para matupad lahat ng iyon. Una kong pupuntahan ang mga bansa sa Asia na hindi ko nararating, mga syudad na magaganda,  at makita ko ang mga ibat ibang kultura kasama na ang misteryosong pagsasaliksik ko sa 8 rayed sun ng lost continent of Lemuria or Mu o  kaya ay surya ng Majapahit Empire.

Marami na akong natutuhan sa Masonerya at marami nang  gabay ang aking  natutuhan para sa aking patuloy na pagsasaliksik,  mula sa misteryo ng mga Ehipto, Babylonian, Assyrian, Hindu, Aztec, Mayan, Mga  Prinsipyo ng mga Intsik at at bansang Hapon