Sunday, May 25, 2014

Number 5



Another life path number 5 of a brother  born on Taurus month. Nakakamangha ang buhay. Tama ang analysis ko pag ang transit saturn opposes the natal sun.

Sa fellowship namin kagabi sa lodge, nag bukas ako ng topic about saturn planet transit. Napag usapan ang born Aries and Turus, the critical birth month during the period of 2014 -2015.  Very stressful nga daw ang buhay nya ngayon dahil sa relationship nya. Ganon din ang isang bro na nagtravel sa ibang bansa, number 5 din ang life path pero nasa peak pa ang kanyang stress so very fortunate ang buhay nya sa ngayon as regard to financial status and adventure.

Ako, natatawa lang  at nag iisip na halos magkakahawig ang buhay ng number 5 life path. Pabago bago  ang kapalaran lalo na katulad ko na ipinganak na sagitarius ascendant at number 5 pa. Naiinip na ako sa hindi chanllenging na takbo ng buhay..paulit ulit at hindi extra ordinary. Ayoko ng ganitong buhay na very ordinary na walang tamang direksyon. Mayroon ngang ambisyon pero parang wala sa tamang daan at maraming set back. may mga mali pang desisyon na dapat sana ay right step to a new financial freedom.

Marami na naman new plans..coal supply projects..selling my lot at greenvalley at 1.7M, hope mag materialize na ang deal so i can move to another business project. Puro walang kumpleto sa aking real estate sales.


Friday, May 23, 2014

Araw ng Biyernes sa Starbucks Evia



Araw ng biyernes ng buwan ni venus na tinaguriang sagrado ng mga baka noong kapanahunan ng mga Ehipto,  pinagsamang 2 at 3 na naging 5. Tamang tama ang araw na ito na alay ka venus kahit na nakasalungat kay haring kronos ang impluwensa sa kasalukuyang taon..may 23, 2014.

Nakaka aliw din tumambay dto sa Evia daang hari, malamig at maaliwalas ang kapligiran, tamang tama kung gusto mo mag sulat at magblog. Sa halagang 71 pesos na senior discounted brewed coffee ng Starbucks ay marami ng oras ang kayang patayin at marami pang nasearch na iba ibang kaalaman at kababalaghan ng mundo..mula sa posts ng mga masons bro sa facebook, mga sinusubaybayan articles ng mga iba ibang astrologers na dko mawari kung totoo o hindi.

Mga 8pm pa lang wala pa masyadong mga cliente kahit araw ng gimik, siguro mamaya pa magdadatingan ang mga kabataan at ang mga pang hatinggabi na parokyano. Ayaw ko pa umuwi. Wala rin naman akong dadatnan at ako lng din mag isa..e ano nga ba ang gagawin pag nasa bahay, e di buksan ng laptop at walang puknat na search na naman. Buti pa dto super malamig ang air con samantalang pag uwi ko parang hinahabol ang metro ng meralco sa bilis ng ikot kapag naka on ang 1.5hp na supercool carrier.

Nasanay na rin ako sa buhay na ganito na tuloy tuloy lang ang buhay na pagkatapos ng araw ay gabi..laging duality lang ikot ng mundo na walang kasama.. sanay na wala kausap kung hindi sarili lamang.. siguro the real life path ng buhay ko.