Friday, May 23, 2014

Araw ng Biyernes sa Starbucks Evia



Araw ng biyernes ng buwan ni venus na tinaguriang sagrado ng mga baka noong kapanahunan ng mga Ehipto,  pinagsamang 2 at 3 na naging 5. Tamang tama ang araw na ito na alay ka venus kahit na nakasalungat kay haring kronos ang impluwensa sa kasalukuyang taon..may 23, 2014.

Nakaka aliw din tumambay dto sa Evia daang hari, malamig at maaliwalas ang kapligiran, tamang tama kung gusto mo mag sulat at magblog. Sa halagang 71 pesos na senior discounted brewed coffee ng Starbucks ay marami ng oras ang kayang patayin at marami pang nasearch na iba ibang kaalaman at kababalaghan ng mundo..mula sa posts ng mga masons bro sa facebook, mga sinusubaybayan articles ng mga iba ibang astrologers na dko mawari kung totoo o hindi.

Mga 8pm pa lang wala pa masyadong mga cliente kahit araw ng gimik, siguro mamaya pa magdadatingan ang mga kabataan at ang mga pang hatinggabi na parokyano. Ayaw ko pa umuwi. Wala rin naman akong dadatnan at ako lng din mag isa..e ano nga ba ang gagawin pag nasa bahay, e di buksan ng laptop at walang puknat na search na naman. Buti pa dto super malamig ang air con samantalang pag uwi ko parang hinahabol ang metro ng meralco sa bilis ng ikot kapag naka on ang 1.5hp na supercool carrier.

Nasanay na rin ako sa buhay na ganito na tuloy tuloy lang ang buhay na pagkatapos ng araw ay gabi..laging duality lang ikot ng mundo na walang kasama.. sanay na wala kausap kung hindi sarili lamang.. siguro the real life path ng buhay ko.





No comments:

Post a Comment