“Ilang Taon ka na sa masonerya, Gabby?” ang tanong sa akin ng isang mason habang nasa fellowship dinner at kumakain.
“Labingdalawa.. naging mason ako noong 2003” ang wala sa loob na sagot ko dahil alam ko na matagal na siya sa masonerya kahit bata pa lamang ang edad.
“Ahh bata ka pa. Bata ka pa.”. “Ako, magdadalamput limang taon na at marami na akong narating sa masonerya”. Ang pagyayabang sa kanyang mga achievements na rangko sa organisasyon. “ Marami ka pang dapat matutuhan para marating ang aking nakamit sa fraternidad na ito. Bata ka pa. Bata ka pa”. ang paulit ulit na salita sa akin.
“Ah ganon ba”. Ang aking sagot na kahit naiinis ay hindi ako nagpakita ng kagaspangan ng ugali at nakangiti lamang habang nag iisip.
Likas siguro sa mga tao na nauuna ang yabang at hindi iniisip kung tama ang sinasabi na para lamang ipagmalaki ang mga natanggap na mga sertipiko at plake ay pwede nang ipangalandakan sa kausap na mataas at marami na syang alam sa masonerya. Siguro, marami na nga talaga siyang eksperyensa sa pagmamason dahil lahat na yata ng Past ay nakuha na, kaya talagang sobra sobra na ang tingin sa sarili sa larangan ng masonerya.
Napaisip ako..Marami na kaya talagang alam siya sa masonerya dahil mataas na ang ranko? Alam kaya niya ang alam ko para masabing bata pa ako..Nalungkot ako sa pagkakataong iyon.
Hindi ko na makukuha ang ganong mga medalya or cerificates dahil dalawa o tatlo pa lang yata ang natatanggap ko at isa dito ay certificate of perfect attendance pa. Karamihan ng natanggap ko ay membership certificate lamang na normal na binibigay kapag ikaw ay nagpa miyembro ng degree.
Ano nga ba ang natutuhan ko sa labingdalawang taon para bigyan ako ng karangalan at para masabing nasa puso at tunay na isang mason? Parang wala! Hindi naman pwedeng karangalan ang mga werdo kong pag aaral sa mga simbolo at sekreto ng masonerya dahil pwedeng totoo ito o pwede rin hindi. Wala naman magbibigay ng medalya sa mga ganitong kaisipan na metaphysical, mistika, at nakakahilo kung iisipin.
Halimbawa:
Gematria or Sacred Geometry.
Nagsimula akong mag-aral ng Gematria noong banggitin ito sa fellowcraft. Masusi kong niresearch lahat ng nakapaloob dito, ang Hebrew characters na ginamit sa Torah at sa Bibliya. Madali naman intindihin ito dahil ang mga charaters ay may equivalent numbers para sa madaling interpretation.
Noong gawin ng mga masonic authors ang mga landmarks ng masoneya na nag umpisa sa Royal Society sa Invisible College sa England, itinago nila ang tunay na kahulugan ng Gematria or Sacred Geometry, the basis of all the sciences, sa mga ritual at allegory ng working tools.
Halimbawa, eskwala at compasses; gamit ito sa mga pagsukat ng distances ng stars and planets. Ang relasyon nito sa Kabala na kung susuring mabuti at pagtyatyagaan mong pag aralan ay makikita ang kahulugan ng numerong 9 ; 3x3x3 , ang tetragrammaton na 72 names of God, the 108 deities , 432 symbol. at marami pang iba.
Ang triyanggulo na nakapaloob ang 10 characters ng gematria ang pinaka makapangyarihang imahe sa buong sang- sinukob. Ginagamit ito ng mga occultist ( isa na ako) at philosophers. Dito nakapaloob ang puso ng masonerya. Gamitin ang kaukulang numero at salita , at makukuha mo na ang ibig sabihin nito para mabuo at malaman ang sekreto ng masoneria. Maaari kong ipaliwanag ng detalyado ang nakapaloob dito kasama na ang ritual at kahulugan.
Sa pamamagitan ng compasses ay mapag aaralan mo rin ang simbolo ng ‘all seeing eye’ na tinatawag din na vesica piscis , conjunction ng Star Sirius A, Sirius B at Sirius C na sa panahon ng Hulyo ang Haring Araw ay pinapatindi ang init ng consciousness ng mga creation sa mundo o sa solar system; ang simbolo nito ay makikita rin sa mga Egyptian hieroglyphics during the Age of Taurus. Ito rin ang sekreto na nakapaloob sa mga structures sa Washington DC sa America, the ancient ritual of sirius rising in Nile River during certain of the year.
Ang imahe na susunod ay isang representasyon ng star sirius na ginagamit ng ibang mga religious cult particularly the Dogon tribe, an image of vesica piscis.
Example: While Sirius rising on Summer Solstice when the sun is in 14 degree Cancer, face east, focus your eyes to the rays of the sun, stare, don’t close your eyes, absorb the energy of the conjunction of the sun, vesica piscis of stars Sirius a,b and c., the stars of the hyades, and stars of the Pleiades with the center Alcyone. Imagine yourself as One with the Universe and One with GOD. (Beware: do not follow, if you are not attune, it my might cause blindness to your physical eye.) Noong gawain ko ang ritual nong nakaraang lingo ay dalawang araw din na nilgnat ako. Matapos kong tumitig sa araw noong umagang yaon ay bigla akong nilagnat na sobrang init, saka sobrang hilo na parang umiikot ang mundo. Ano nakuha ko. Wala. Meron siguro, pero ako lang ang nakakaramdam at hindi ko na pwede ipaliwanag.
Sa 2nd Degree ng Masonry, sinabi dito na “Geometry is the mother of all sciences.” Tapos wala ng paliwanag. Bahala ka na mag-isip kung bakit binanggit. It might be curiousity that drove me to pursue studies on this subject matter. Salamat at marami akong natututuhan at malayo layo na rin ang narating ko from the main stream research. Combining the Bible and Books of other religion including Hebrew, nalaman ko ang sinasabi sa masonerya. Morals and Dogma Book by Albert Pike is a good reference of the Kaballah. Durog na ang libro kong ito at punit na ang mga pages. Mabuti na lang at may uploaded version na sa internet.
Meron ba ako award na nakuha dito. Ang sagot Wala. Expulsion pa ang verdict.
A Study on Masonic Cipher and Codices
Atbash Cipher is a simple substitution cipher for the Hebrew alphabet. It consists in substituting aleph (the first letter) for tav (the last), beth (the second) for shin (one before last), and so on, reversing the alphabet
Numerolgy Cipher – Pytagorean or Chaldean
Substituting letters into numbers is also another method of codex
Masonic Pigpen Cipher
Pigpen Cipher
Ang monitor ng masonerya ay mahirap madecode lalo na ang obligation part na kahit na anong klaseng computer program ay hindi kayang bigyan ng tamang word ang bawat letter. Nagsimula ang paggawa ng mga coded cipher noong mga taon 1800 using the pigpen cipher assigning English alphabet. Ginamit ito sa pagbuo ng passwords and symbols for the ancient craft na naging effective noong mga panahong iyon.
Text Messaging Code.
2B1ask1
Ngayon sa pagkakaroon ng maraming smart phones and gadget, hindi na masasabing sekreto ang paggamit ng coded words. Sa mga Pilipino pa lamang na kabataan ay normal na gumamit ng letters na sound ang equivalent.. :) for smile, u for you,. :( for sorry..etc/ , na naging universal na ang ganitong method of communication. Matagal na itong ginagamit ng masonerya 200 taon na ang nakakaraan.
ASCII CODE (American Standard Code Information Interchange), HTML, Http, hex, octal, binary, etc
Sa mga susunod na mga taon ay puro numbers na ang gagamitin sa mga tao using bar code or other numbers for proper identification.
Mahaba haba na rin ang pag aaral ko dito pero sa ngayon ay ito pa rin: 404 not found
Alchemy
Ang unang word na naging curious ako sa appendant bodies of the Scottish Rite is VITRIOL. . (VISITA INTERIORA TERRAE RECTIFICANDO INVENIES OCCULTUM LAPIDEM. Sa wikang English ay “Visit the interior of the earth and rectifying, you will find the hidden Stone.”.Mahiwaga ang nakatagong kahulugan sa initial na ito. Sa alchemy ay sulfuric acid ang ginagamit ng mga alchemist noong unang panahon sa paggawa ng ginto o ng philosopher stone or elixir of immortality.
Dahil naging mapangahas ako sa kaisipang ito, ay nasubukan ko na rin at kasalukuyan pa rin ginagawa ang paghahalo ng mercury, salt, and sulfur sa pagbabaka sakaling sa takdang panahon na inilahad ng taghana, ay matagpuan ko ang tamang formula ayon sa tamang ikot ng araw, buwan, mga bituin at mga planeta. Madali naman maintindihan ito dahil nakalantad ito sa masonerya na pinangalanan na corn, wine and oil, kaya lang tinawag ito na masonic wages para maitago ang tunay na kahulugan.
May mga mason na nakarating na ng 33 degree pero kailanman ay hindi man lang maipaliwanag ang kahulugan kung bakit kasama sa masonerya ang mga principle of alchemy. The Alchemical elements of the universe, the alchemical nature of creation. The principle of Plato about elements like Fire, Air, Earth and Water, and the fifth element Spirit., the relationship of elements to things and the astrological period of the ages.
Double Headed Phoenix
Dahil ang narating ko lamang na award sa Scottish Rite ay 32 degree KCCH sa kadahilanang hindi ko akalain dala marahil ng opposition and squares of transiting planets, hindi ito naging hadlang para iwanan ko ang aking pag-aaral sa degree na ito. Patuloy kong pinag aralan ang ibig sabihin ang simbolo ng REBIS or Double Matter na kahalintulad sa double headed eagle or phoenix.
Mahaba ding aralan ang ginawa ko upang malaman ang simbolismo ng agila na may dalawang ulo. Emblem ito ng Ancient City of Lagash ng Mesopotamia. Sa Egypt ito ay isang legendary phoenix na binuhay sa simbolismo ng serpent or hasp.
Ang Rebis ay simbolo ng isang kambal na mistikong lalaki at babae na may hawak na working tools na napapalibutan ng mga planeta. Sa itaas ng ulo ay isang star na ibig ipakita ang alchemical gold.
Ang rating ko dito, malapit na siguro sa planet Mercury.
Astrology
Simula pa lamang sa Blue Lodge ay puro astronomy na. Sinasabi dito ang ikot ng araw mula sa silangan , pa.gdaan sa katanghalian, at pagdating sa kanluran at pag ikot na muli patungong silangan.
The two gates, tropic of cancer and the tropic of capricorn are represented by Roman saints St John the Baptist and St John Evangelist, the patron of masons. Hindi ipinaliwanag kung bakit naging patron ng mason. According to the 25th degree of the Morals and Dogma, the soul of man travels from heaven to earth through the silver gate or the tropic of cancer; and return through the golden gate which is the tropic of capricorn. Ipinakikita din ito sa Catholic Church through the silver and golden keys of the pope’s emblem.
Interesting ang topic na ito kung ipapaliwanag sana ng mabuti kaya lang may conflict sa ibang paniniwala ng religion about reincarnation and immortality of the soul. kaya kung inquisitive ang isang mason ay malalaman nya ito ng lubusan.
If you know how to read astrological chart, you will notice that high twelve is 12 noon or medium coeli and low twelve is imum-coeli or low twelve.If you are looking the geographical location on earth, the right side is east while looking zodiacal ecliptic the right side is also east. From the above picture, try to visualize the position of the stewards in front of the JW location.
Sa Degree ng Scottish Rite binanggit dito ang three bight stars of Orion have risen. Ano ang ibig sabihin nito? Mga tanong na walang makasagot sa mga mason na matatanda na sa masonerya. Ano nga ba ang simbolismo at biglang pumasok ang constellation ng Orion the Hunter sa masonerya. Ayon sa mga mananaliksik, the 3 stars on the belt of orion ay nakatapat sa tatlong pyramid sa egypt. Yon lang wala nang ibang paliwanag.
Sa aking pag aaral ay may nabuo akong kasagutan dito. Katulad sa Book of Job “Can you bind the chains of the Pleiades? Can you loosen Orion’s belt? , the belt of orion star is a pointer..that’s it..another secret of freemasonry.
Bakit may naka ekis na espada sa altar? Alam ko rin ito pero hindi ko rin sasabihin dahil sekreto na ito ng masonerya.
Hindi naman mahirap aralin ang astronomy or astrology. Magsimula lamang magbasa at intindihan ang mga libro ng ancient babylonia, sina marduk, enki o enlil kasama na ang galaw ng kalikasan noong mga panahong iyon.
Pag aralan din ang Greek Mythology; sina Cronus, Zeus, Hera, Hades, and the labour of Hercules which deals about the journey of the soul on the zodiac from aries to pisces.
Ang Ancient Egypt ay may kanyang pag aaral din lalo na sa time ni Hermes Tresmegistus, ito ang the secret of the precession of the equinox.
Ang Ancient Egypt ay may kanyang pag aaral din lalo na sa time ni Hermes Tresmegistus, ito ang the secret of the precession of the equinox.
Pag-aralan din ang ritual ng Sol Invictus ni Zoroaster, Eleusinian Mysteries for Goddess Demeter of Ancient Greece.
Mariin din ipinapaliwanag sa masonerya ang journey of the soul from heaven to earth and from earth to heaven using the silver and the golden gates. Piliting aralin din ito dahil dito mo malalaman kung anong degree na ang reincarnation level mo sa earth, your process of your death and rebirth. Medyo nakakatakot pero nababasa ko ang destiny ng isang tao kasama na ang sarili ko.
Bata pa ba ako sa masonerya, nabuhay ako noong panahon ng Leo 12,000 years ago na ang sibilisasyon ay nasa Ehipto kasama ang bansang India. It was a golden age of spirituality – Oneness with God. My soul reincarnated on this period of time to impart the knowledge of the principle of creation, the nature of all things. Bakit ko alam, Rx Pluto in Leo in 9th house trine the natal sun in Sagittarius conjunct mercury.
Hindi na ako bata sa masonerya, having the point of the arrow at 19 degree 47 min Sagittarius malapit sa galactic center with the sun rising at 03 degree, nasa kalawakan na ang aking nilalakbay malayo sa kalupaan.
Ano ang Masonerya?
Kung ang masonerya ay para lamang sa kapatiran ng payabangan at pagandahan ng gintong singsing at paramihan ng medalya o sertipiko ay hindi ako naiingit at mas gusto ko pa na taga tanghod at taga tingin na laang na isang mistiko.
Ang Humility o Pagpapakumbaba ang unang aspeto ng kapatiran. Pangalawa ay maging Tahimik para hindi makasakit ng loob ng kapwa.
Hindi na ako bata. Matanda na ang aking birth and death cycle sa realm many eons ago.