Isa sa mga pinagka-kaabalahan ko kapag nagpapatay ng oras noong ako ay medyo bata pa ay mag-isip ng mga kakaibang disensyo ng tirahan. Noong college ako ay muntik na akong magshift ng kurso ng Architecture dahil natutuwa ako sa mga rendering ng mga kaibigan at ka classmate na kumukuha ng kurso na ito, dangan nga lang at nasa 3rd year na ako ng Civil Engineering at babalik na naman ako sa drawing ng mga freshman kaya ipina-isang tabi na lamang ang kapritso.
Taong 1982 nang unang magkabahay kami sa Ayala Alabang Village. Marami din ako oras na ginugol sa pag -iisp ng gusto kong layout na nagawa naman at tinirahan sa loob ng 7 taon (1982 -1989), sayang wala na naiwang picture nong unang bahay sa Luzon Drive.
Isang monimalist na modern design ang sunod kong inspirasyon . High ceiling ang living room na parang nasa hotel ang feeling. Ito yong picture ng facade.
Walking distance ito sa St James Parish the Greater Parish Church na kung saan ako ay dating minister of the holy eucharist na assigned sa children's mass every Sunday.
Malapit din ito Paref Woodrose School na exclusive school for girls.
May sukat ang lote na 450 sqm , na meron na 4 bedrrooms and maids room na may kanya kanyang toilet ang bathroons.
Picture ng house sa 110 Gomez Place, Ayala Southvale Village