Friday, May 7, 2021

Mga Inspirasyong Disenyo ng Bahay

 Isa sa mga pinagka-kaabalahan ko kapag nagpapatay ng oras noong ako ay medyo bata pa  ay mag-isip ng mga kakaibang disensyo ng tirahan. Noong college ako ay muntik na akong magshift ng kurso ng Architecture dahil natutuwa ako sa mga rendering ng mga kaibigan at ka classmate na kumukuha ng kurso na ito, dangan nga lang at nasa 3rd year na ako ng Civil Engineering at babalik na naman ako sa drawing ng mga freshman kaya ipina-isang tabi na lamang ang kapritso.

Taong 1982 nang unang magkabahay kami sa Ayala Alabang Village. Marami din ako oras na ginugol sa pag -iisp ng gusto kong layout na nagawa naman at tinirahan sa loob ng  7 taon (1982 -1989), sayang wala na naiwang picture nong unang  bahay sa Luzon Drive. 

Isang monimalist na modern design ang sunod kong inspirasyon . High ceiling ang living room na parang nasa hotel ang feeling. Ito yong picture ng facade.

Walking distance  ito sa St James Parish the Greater Parish Church na kung saan ako ay dating minister of the holy eucharist na assigned sa children's mass every Sunday.

Malapit din ito  Paref Woodrose School  na exclusive school for girls.

May sukat ang lote na 450 sqm , na meron na 4 bedrrooms and maids room na may kanya kanyang toilet ang bathroons.




 Picture ng harapan ng bahay sa 213 Matabungkay St., Ayala Alabang Village, 






1997

Noong taon 1997 ay sinimulan ko na nman ang construction ng isa pang bahay.  Ginawa ang plano ng GF and Partners, Architects pero pinabago ko sa isang kaibigang  arkitekto ang facade para maging isang  French inspired house.

Umabot din ng dalawang taon bago natapos dahil hindi naman minadali at pulido ang pagkakagawa

Ang lot area ay kulang kulang na 700sqm, may5 bedrooms, maids room with utility area, drivers room, two kitchen, guest room, big lanai, swimming pool, 8 car garage.


                       

                                Picture ng house sa 110 Gomez Place, Ayala Southvale Village









2021

Isang konsepto na naman ng disensyo ang aking pinag aaksayahan ng panahon. Matapos matuto ako ng AutoCad  ay laging umuusok ang aking Surface laptop sa mga new design. Ito ay steel frame inspired three or four storey structure.

Habang lockdown ay ginugulo ko ang aking inspirasyon sa magagandang mga design concept.

Ang proposed structure ay 10 room bed and breakfast small hotel  complete amenities with swimming pool at 3rd floor deck.

Malapit at walking distance lang ang property sa Robinson Easy Mart, Puregold, Savemore at Mcdonalds  sa Las Pinas City

























No comments:

Post a Comment