Gabriel Comia, Jr. l Grand Lodge of the Philippines l SRICF, Pearl of the Orient College l Manila York Rite College l Allied Masonic Degrees l Asoka Conclave - Red Cross of Constantine I Athelstan Court l
Wednesday, August 27, 2014
One Sunday in Evia
To become invisible is an easy way to do even though you know old time aquaintances by pretending unconscious of whats happening on the nearby seats.
Pag sunday, ang dami mong nakikita na hindi mo inaasahan na sa maraming panahon na bigla na lamang susulpot ang mga taong dati mo nang kasamahan sa masasayang araw. Ngunit ngayon, iba na ang takbo ng buhay.. may masuswerte sa materyal na bagay ngunit salat sa totoong misteryo ng buhay na malaman ang layunin kung baki nabubuhay ang tao sa daigdig na ito..dimension ng mga tao sa planet earth.
Ako.. ano ang tamang destiny ng buhay ko.
Pag sunday, ang dami mong nakikita na hindi mo inaasahan na sa maraming panahon na bigla na lamang susulpot ang mga taong dati mo nang kasamahan sa masasayang araw. Ngunit ngayon, iba na ang takbo ng buhay.. may masuswerte sa materyal na bagay ngunit salat sa totoong misteryo ng buhay na malaman ang layunin kung baki nabubuhay ang tao sa daigdig na ito..dimension ng mga tao sa planet earth.
Ako.. ano ang tamang destiny ng buhay ko.
Wednesday, July 30, 2014
Paglalakbay ni Jupiter
Ang planetang Jupiter ay nasa 9th house in the cusp of Leo noon July 16 sa birth chart ko pagkaraan ng isang taon na pamamalagi sa zodiac ng Cancer. Maganda ba ang magiging takbo ng kapalaran ko sa taong ito sa maswerteng planetang Jupiter habang nasa 9th house ng malayong paglalakbay sa ibat ibang lugar, maraming pag aaral ng pilosopiya, at swerte sa pagbebenta ng kahit na ano na pwedeng pagkitaan ang maraming pera.
Bilang isang nilalang na ipinanganak sa Sagittarius Rising noong buwan ng Sagittarius, masyadong walang tumbok ang mga ambisyon ko sa dami ng gustong marating sa buhay. Halos lahat yata ay gustong kong matutuhan mula sa tanong na imposible ang kasagutan at marating ang mga lugal na hindi pa nararating ng sino man.
Pagkatapos ng 2014 ay magsisimula na akong gugulin ang aking oras sa pag libot sa mga lugar na hindi ko pa nararating, dangan nga lang at kailagan ko ng maraming pera para matupad lahat ng iyon. Una kong pupuntahan ang mga bansa sa Asia na hindi ko nararating, mga syudad na magaganda, at makita ko ang mga ibat ibang kultura kasama na ang misteryosong pagsasaliksik ko sa 8 rayed sun ng lost continent of Lemuria or Mu o kaya ay surya ng Majapahit Empire.
Marami na akong natutuhan sa Masonerya at marami nang gabay ang aking natutuhan para sa aking patuloy na pagsasaliksik, mula sa misteryo ng mga Ehipto, Babylonian, Assyrian, Hindu, Aztec, Mayan, Mga Prinsipyo ng mga Intsik at at bansang Hapon
Tuesday, June 24, 2014
Ang sentro ng Palaso
Tagamasid na nga lang ba ang nagiging buhay ko at walang tiyak na patutunguhan, walang future, malabo ang source of fund, walang savings, unemployed, over age, living by luck, no permanent career, ibig sabihin walang direksyon.
Ito ba ang tunay na Sagittarius Rising. Always under the spell of Jupiter Luck. Sobrang lucky nga ba ako by having a life path number 12 12 1952 = 3 3 8 = 5. Three (3) is the number of Jupiter, 8 is ruled by planet Saturn ruling Capricorn.
Sunday, May 25, 2014
Number 5
Another life path number 5 of a brother born on Taurus month. Nakakamangha ang buhay. Tama ang analysis ko pag ang transit saturn opposes the natal sun.
Sa fellowship namin kagabi sa lodge, nag bukas ako ng topic about saturn planet transit. Napag usapan ang born Aries and Turus, the critical birth month during the period of 2014 -2015. Very stressful nga daw ang buhay nya ngayon dahil sa relationship nya. Ganon din ang isang bro na nagtravel sa ibang bansa, number 5 din ang life path pero nasa peak pa ang kanyang stress so very fortunate ang buhay nya sa ngayon as regard to financial status and adventure.
Ako, natatawa lang at nag iisip na halos magkakahawig ang buhay ng number 5 life path. Pabago bago ang kapalaran lalo na katulad ko na ipinganak na sagitarius ascendant at number 5 pa. Naiinip na ako sa hindi chanllenging na takbo ng buhay..paulit ulit at hindi extra ordinary. Ayoko ng ganitong buhay na very ordinary na walang tamang direksyon. Mayroon ngang ambisyon pero parang wala sa tamang daan at maraming set back. may mga mali pang desisyon na dapat sana ay right step to a new financial freedom.
Marami na naman new plans..coal supply projects..selling my lot at greenvalley at 1.7M, hope mag materialize na ang deal so i can move to another business project. Puro walang kumpleto sa aking real estate sales.
Friday, May 23, 2014
Araw ng Biyernes sa Starbucks Evia
Araw ng biyernes ng buwan ni venus na tinaguriang sagrado ng mga baka noong kapanahunan ng mga Ehipto, pinagsamang 2 at 3 na naging 5. Tamang tama ang araw na ito na alay ka venus kahit na nakasalungat kay haring kronos ang impluwensa sa kasalukuyang taon..may 23, 2014.
Nakaka aliw din tumambay dto sa Evia daang hari, malamig at maaliwalas ang kapligiran, tamang tama kung gusto mo mag sulat at magblog. Sa halagang 71 pesos na senior discounted brewed coffee ng Starbucks ay marami ng oras ang kayang patayin at marami pang nasearch na iba ibang kaalaman at kababalaghan ng mundo..mula sa posts ng mga masons bro sa facebook, mga sinusubaybayan articles ng mga iba ibang astrologers na dko mawari kung totoo o hindi.
Mga 8pm pa lang wala pa masyadong mga cliente kahit araw ng gimik, siguro mamaya pa magdadatingan ang mga kabataan at ang mga pang hatinggabi na parokyano. Ayaw ko pa umuwi. Wala rin naman akong dadatnan at ako lng din mag isa..e ano nga ba ang gagawin pag nasa bahay, e di buksan ng laptop at walang puknat na search na naman. Buti pa dto super malamig ang air con samantalang pag uwi ko parang hinahabol ang metro ng meralco sa bilis ng ikot kapag naka on ang 1.5hp na supercool carrier.
Nasanay na rin ako sa buhay na ganito na tuloy tuloy lang ang buhay na pagkatapos ng araw ay gabi..laging duality lang ikot ng mundo na walang kasama.. sanay na wala kausap kung hindi sarili lamang.. siguro the real life path ng buhay ko.
Nasanay na rin ako sa buhay na ganito na tuloy tuloy lang ang buhay na pagkatapos ng araw ay gabi..laging duality lang ikot ng mundo na walang kasama.. sanay na wala kausap kung hindi sarili lamang.. siguro the real life path ng buhay ko.
Subscribe to:
Posts (Atom)